I. Ang Paggawa ng Sinulid at Paglikha ng Tubo sa
Ang kompanyang
Hinati na ito ngayon sa dalawang kompanya. Ang isa ay ang Manila Bay Spinning Mills, Inc. na humahawak ng old mill na gumagawa ng low-twist na sinulid. Ang kabila naman ay ang J&P Coats Manila Bay, Inc. na namamahala sa new mill na nagmamanupaktura ng thread. Matatagpuan sa iisang compound sa Brgy. Tanong sa
Ang sinulid ng
Nauungusan ng
Kahit na dalawang kompanya na ngayon, iisang unyon pa rin ang sumasaklaw sa mga trabahador ng old at new mill, sa mga manggagawa ng Manila Bay Spinning at
Ang pinoprosesong bulak ng
Ang unang hakbang sa produksyon ng sinulid ay nagaganap sa blowroom. Dito, sa pamamagitan ng malakas na buga ng hangin, hinihimay ang bulak. Dito rin nagaganap ang blending ng bulak, isang prosesong maihahalintulad sa paggawa ng cotton candy. Mula sa blowroom dadalhin ang bulak sa makinang cards na mistulang higanteng suklay. Dadaan ang bulak sa drawframe at speedframe kung saan hinihila at hinahatak ang ga-lubid na laking bulak para humaba at numipis. sa pagitan ng drawframe at speedframe maari pang dalhin ang bulak sa mixer. sa mixer paghahaluin ang cotton na bulak at polyester o acrylic na materyales para lumikha ng sinulid na may tamang proporsyon ng elementong natural at synthetic.
Matapos sa speedframe, ang susunod na hakbang ay spinning. Makaraang dumaan sa spinning machine, nakaporma na ang bulak na sinulid. Dadaan ito sa winding machine upang pilipitin ang sinulid. Susunod ang twisting. Dito ipinupulupot ang kung ilang sinulid para lumikha ng mas matibay na sinulid. Ang 3-ply na sinulid, halimbawa, ay tatlong sinulid na ipinupulupot.
Ang huling hakbang sa paglikha ng sinulid ay ang finishing. Kung ito ay low-twist na sinulid na pangunahing gawa sa cotton, dadaan na lang ito sa bleaching para paputiin ang likas nitong kulay. Kung ito ay thread, papasok ito sa wet process para sa dyeing at coloring.
Ang ibang low-twist na sinulid ay maaring umabot pa sa knitting upang ihabi bilang tela at tahiin bilang t-shirt. Wala halos nasasayang sa bulak na pinoproseso ng
Ang natapos na sinulid ay nakapulupot sa mga cones. Nakapaikot sa bawat cone ang dalawang kilong sinulid. Isinisilid ito sa mga sako na bawat isa ay naglalaman ng 24 cones. Handa na itong ihatid sa mga kliyente ng
Sa loob ng isang ordinaryong araw, minimum na ang makalikha ang mga manggagawa ng
Ang isang toneladang sinulid ay maaring magkahalaga ng P116,000 kung low-twist na sinulid o umabot pa ng P300,000 kung synthetic thread.
Ang mga planta ng
Ang pangkaraniwang sahod ng daily-paid na manggagawa ng
Sa dulong bahagi ng dekado ‘80 nagsimula na ang modernisasyon ng planta at makinarya ng
Ang lumang winding machine na may 20 spindles ay dating pinaaandar ng tatlong manggagawa. Kung sakaling maputol ang sinulid, ang manggagawa ang de-manong magtatali at magbubuhol ng sinulid. Hinalinhan ito ng automatic at computerized machine na may 200 spindles. Kapag napigtal ang sinulid, may pyesang kukuha ng sinulid at kusang magdudugtong nito. Isa na lamang ang kailangang mag-operate ng makinang ito. Ang trabaho na lamang niya ay pindutin ang switch upang tumakbo ang makina at maglagay ng suplay ng sinulid kung maubusan. Nangahulugan ito ng 3000% paglundag ng produktibidad! Ang kayang i-wind na sinulid ng isang manggagawa sa tulong ng bagong makina ay 300 beses ang laki sa maaring gawin ng isa pa ring manggagawa sa paraan ng lumang makina.
Meron na ring electronic sensor ang mga makina na kung daanan ng sinulid na may bukol o buhol ay sadyang pipigtalin ang sinulid at idudugtong ito nang wala na ang depekto. Kaya’t hindi lamang simpleng lumaki ang produksyon kundi kalidad ang sinulid na minamanupaktura ng
Pinatutupad na rin ang labor flexibilization sa
Maaring kwentahin ang tantos ng pagsasamantala at tantos ng kita ng Manila Bay mula sa isinumite nitong mga financial statements sa SEC. Dapat nga lamang unawain na hindi pa tunay na isinasalarawan ng financial statements ang laki ng tubo at igting ng pagsasamantala sa pabrikang ito ng sinulid sapagkat tuwinang undervalued ang halaga ng output ng mga kompanya at overvalued ang kanilang gastos sa produksyon.
Mula sa financial statements ng Manila Bay Spinning Mills at
Sa kwentahan hinati ang gastusin sa produksyon sa dalawang bahagi – ang constant capital at variable capital. Ipinaloob sa constant capital ang gastos sa hilaw na materyales (na siyang pinakamalaki), ang gastos sa light, fuel and water (na ikalawang pinakamalaki), ang depresasyon ng makinarya (na susunod na pinakamalaki), ang gastos sa repair and maintenance, office supplies, transport and delivery at telephone bill.
Sa variable capital, ipinaloob ang sahod at sweldo – pati bonus, allowances, SSS at iba pang kontribusyon – ng direct labor, indirect labor at office staff.
Batay sa 1996 na financial statement ng Manila Bay Spinning Mills, ang kabuuang halaga ng mga nalikha at nabenta nitong sinulid ay P617,466,506.02. Ang mga gastusin nito sa produksyon ay umabot ng P557,870,163.26. Ang constant capital ay nasa P456,329,779.26 habang ang variable capital ay nasa P101,540,384. Kaya’t ang tubo o labis na halaga sa taong iyon ay P59,596,342.76.
Kung gayon ang tantos ng pagsasamantala ay 58.7%. Ang tantos ng tubo ay 10.7%.
Sa 1997 naman, lumaki ang kabuuang halaga ng nalikha at naibentang produkto sa P633,957,287.94. Ang gastos sa produksyon ay lumiit sa P534,078,614.20. Nahahati ito sa constant capital na P422,793,281.61 at variable capital na P111,285,332.59. Samakatwid ang tubo o labis na halaga ay lumobo sa P99,878,673.74.
Kung gayon ang tantos ng pagsasamantala ay 89.8% habang ang tantos ng tubo ay 18.7%.
Sa loob ng dalawang taong ito ang average na tantos ng pagsasamantala ay 74.2%. Ibig sabihin, sa otso oras na paggawa, sa loob lamang ng 4 oras at 35 minuto nabawi na ng manggagawa ng
Sa J&P Coats naman, ang kabuuang halaga ng mga nalikha at nabentang thread noong 1996 ay P442,066,933.59. Ang gastos sa produksyon ay P336,413,457.72 na nahahati sa constant capital na P274,720,417.80 at variable capital na 61,693,039.92. Kaya’t ang tubo ay umabot ng P105,653,475.90.
Ang tantos ng pagsasamantala kung gayon ay 171.3% habang ang tantos ng tubo ay 31.4%.
Sa taong 1997, lumaki ang kabuuang halaga ng nalikha at naibentang produkto sa P496,068,945.59. Ang gastos sa produksyon ay lumaki rin naman sa P418,604,168.86. Ang P337,028,500.33 nito ay constant capital samantalang P81,575,668.53 nito ay variable capital. Ang tubo kung gayon ay P77,464,776.73.
Samakatwid ang tantos ng pagsasamantala ay 95% at ang tantos ng tubo ay 18.5%.
Ang average na tantos ng pagsasamantala sa dalawang taon ay 133%. Ibig sabihin, ang unang tatlong oras at 26 minuto na paggawa ay para likhain ng manggagawa ng J&P Coats ang katumbas ng kanyang sahod at ang huling apat na oras at 34 minuto ay para sa tubo nina Tanco at mga dayuhan niyang kasosyo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento